Thematic

Sa panahon ng pandemya

Mga negosyo ay bumagsak

Umuso ang online shop

At mga delivery ay lumaganap

 

Sa bawat paghatid, mask ay gamit

Ang sanitation ay naging dapat

Kahit ang delivery man ay nagtitiis sa init

Ito’y para sa kaligtasan ng lahat

 

Sa paghatid ng gamit

Social distance ay naging gawi

Isang metrong distansya

Para sa proteksyong inaasam

 

Ang sakripisyo ng mga frontliners

Ang kanilang pagbubuwis ng buhay para sa bayan

Ay dahilan kung bakit tayo’y patuloy na nabubuhay

At ligtas mula sa virus na ito

 

Inuuna nila ang bayan bago ang sarili

Maging ligtas lamang ang kapwa

Mahirap man ay kinakaya

Para sa mga taong mahalaga sa kanila

 

Respeto ang igagawad

Sa mga bayani ng pandemya

Saludo kami sa inyong tapang

At sa patuloy na pagprotekta

 

Pananatili sa tahanan

Ay isang paraan upang maging ligtas

Mula sa di nakikitang kalaban

Na syang dahilan ng ating pagdurusa

  

Comments

Popular posts from this blog

ESSENCE OF CHRISTMAS

Q2 MOD1 TASK3