Posts

Showing posts from March, 2021

Thematic

Sa panahon ng pandemya Mga negosyo ay bumagsak Umuso ang online shop At mga delivery ay lumaganap   Sa bawat paghatid, mask ay gamit Ang sanitation ay naging dapat Kahit ang delivery man ay nagtitiis sa ini t Ito’y para sa kaligtasan ng lahat   Sa paghatid ng gamit Social distance ay naging gawi Isang metrong distansya Para sa proteksyong inaasam   Ang sakripisyo ng mga frontliners Ang kanilang pagbubuwis ng buhay para sa bayan Ay dahilan kung bakit tayo’y patuloy na nabubuhay At ligtas mula sa virus na ito   Inuuna nila a ng bayan bago ang sarili Maging ligtas lamang ang kapwa Mahirap man ay kinakaya Para sa mga taong mahalaga sa kanila   Respeto ang igagawad Sa mga bayani ng pandemya Saludo kami sa inyong tapang At sa patuloy na pagprotekta   Pananatili sa tahanan Ay isang paraan upang maging ligtas Mula sa di nakikitang kalaban Na syang dahilan ng ating pagdurusa